Ang aking karanasang di malilimutan
Ang aking di malilimutang karanasan
Ang aking di malilimutang karanasan ay noong namatay ang aking ama. Limang taong gulang palang ako nong namatay ang aking ama noon. Ito ang pinakamasakit na nangyari sa tanang buhay ko dahil hindi ko lubos naranasan ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Hindi niya nasasaksihan kung paano ako lumaki, kung paano ko aabutin ang mga pangarap ko, tuwing may espesyal na selebrasyon na hindi namin siya kasama, at sa marami pang bagay na nangyayari sa buhay ko. Naiinggit ako sa ibang mga bata na kasama nila ang kanilang ama. Ang swerte nila na hanggang ngayon kasama pa nila ang kanilang ama hanggang ngayon lalo na ngayong pasko at bagong taon. Pero sa kaunting panahong iyon naranasan ko ang pagmamahal ng isang ama. Kung paano siya mag alaga, kung paano niya kami pagalitan, at iba pang bagay na nangyari noong kasama ko pa siya. Walo kaming magkakapatid at ako ang bunso, pero sa dami namin ni minsan hindi niya sa amin pinaramdam na hindi niya kami mahal. Walang anak niya na hindi niya mahal. Kaya mahal na mahal ko ang tatay ko kahit sa madaling panahon lang kami nagkasama. Kahit hindi niya ako nasaksihan ang aking paglaki, ipagpapatuloy kong abutin ang mga pangarap ko at tatapusin ko ang aking pag aaral dahil alam ko kahit hindi siya namin kasama, ginagabayan niya kami saan man kami magpunta at alam kong masaya siya kung naasan man siya ngayon.
Comments
Post a Comment